Tuesday, April 25, 2017

Paalam na

Check-up Time: 9:38 am

Dumarating talaga sa punto ng buhay natin na kapag paulit ulit ang ginagawa, natitikman o nakikita ay nakakaramdam tayo na hindi na tayo masaya.

Maari nga na magkaroon ka ng paborito pero paborito mo pa din ba sya kung araw araw eh pareho pa rin ng ganap sa buhay mo?

Tamad. Yan na ang sunod na nararamdaman mo kung paulit ulit na ang ginagawa mo. Walang bago. Walang ng magpapatakbo at kikiliti sa utak mo kaya naman makakaramdam ka ng pananawa sa ginagawa mo.

Sa tuwing dadaan ako sa lugar na walong taon ko ng dinadaanan kapag papasok ako sa trabaho ay halos nakabisado ko na ang itsura ng bawat gusali, tindahan, establisyemento, bahay, at kalye na dinadaanan ko.

Maaring iba iba ang interpretasyon ng tao sa kung ano ang nararamdaman sa mga ganitong bagay, pero ako masasabi kong nagsasawa na ako...

Akala ko hindi mo mararamdaman ang bagay na ito sa nagpapasaya sa akin kapag malungkot ako. Akala ko hindi ko mararamdaman ang bagay na ito sa umaagapay kapag nag-i-struggle ako. Akala ko hindi ko mararamdaman ang ito sa nakakapagbigay ng ngiti lalo na kapag stress na ako. At akala ko hindi ko mararamdaman ito sa nakakapag pabago ng pananaw ko kapag minsan ay nagmumuni muni ako.





Siguro nga ganun talaga ang buhay ng tao. Kahit na sabihin mo na importante eh hindi pa din sya magiging importante sa lahat ng oras. Minsan kailangan mo tanggapin ang katotohanan na dumarating sa punto ng buhay mo na ayaw mo na. Ayaw mo na kasi sawa ka na. Ayaw mo na kasi hindi ka na masaya. Ayaw mo na kasi, ayaw mo na.

Maaring masakit sa loob ang palitan ka, pero kailangan ko itong gawin bago pa ako lalong magsisi dahil pinilit kong gawin ang isang bagay na alam ko namang wala na talagang pagasa na ibalik ang dati...


Paalam





















sa current kong kape...























Balik ako sa plain black coffee ko at ang bago?








































Ang coffeemate na nagbibigay sa kanya ng bagong flavor....





In fairness masarap sya at hindi mo na kailangan nga sugar dahil kumpleto na ang lasa nya. O ano pa ang hinihintay mo.... Try mo na din ng matikman mo....











































Oo nga pala dalawa ang bago nyang flavor try mo din yun isa para masaya...


















Akala mo madrama noh? Charot lang yun no!

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, April 2, 2017

weird nya oh!

Check-up Time: 10:33am


Hola! Kumuestas sineguelas, tsinelas, balbas, almoranas, Barabas.... Bahamas!!!

Ang inet na ngayon noh? Umamin ka, although hindi pa ata dinedeclare ang Martial Law, I mean na summer na ng PAG-ASA (pero masakit talaga ang umasa, cheret!).

Excited na ako mag-summer ng makapag-explore ulit ng mga kung anes anes na lugar sa Pinas. Mid ng buwan na ito I'll try to explore my father's province, ganern may pag-e-english talaga? Try ko pagmasdan, observe at explore ang isang sa mga bonggang isla na na-feature na ng mga Sunday shows. Minsan talaga nakakaaliw ang mga lugar sa natin no? Before you know it matatawa ka na lang sa mga pangalan nila dahil medyo kakaiba... Aminin mo? Minsan may lugar kang maririnig na bigla kang matatawa at mapapaisip na hindi maka-move on.... Ayaw mo maniwala? O sige ito ang ilan....


Image result for kalanggaman island
(credit to the owner of the pic)

1. In Laguna 2 towns next to each other, Anos and Bayog. So when asked where Bayog is: “Paglagpas mo sa Anos, makikita mo na ang Bayog.”
2. In Malate: Barangay Kabantutan.
3. In Cebu, a town called Baklayon.
4. In Pandi, Bulacan: Barangay Masuso.
5. A town in Tarlac is called Dara Bul bul.
6. In Bocaue: Right after Pogi Street, you’ll find Kalye Buntisan.
7. In Batangas, you’ll find “Mababang Paaralan ng Mataas na Kahoy”.
8. In Infanta: Barangay Katamblingan.
9. In Palauig, Zambales: Barangay ti ti -on
10. Bisa, Sorsogon: Barangay Ticol.
11. Sexmoan, Pampanga.
12. There’s a barangay in Batangas called: Barangay Walang Balahibo Ibaba.
13. In Barangay Inuman in Antipolo, you’ll also find Inuman Elementary School.
14. In SM Fairview, there’s a jeepney going to Bigte. So the barker goes: “Sinong magbi-Bigte diyan, sakay na!”
15. In Guagua, you’ll find Barangay Bading.
16. Lasingan Town, in Quirino.
17. In Tarlac: Barangay Mapuke.
18. In San Narciso, Quezon: Sapang Matae (people call it SM for short).
19. In Lucban, Quezon: Barrio Latiti.
20. In Palawan : Barangay Tinitian.
21. In Nueva Ecija: Barangay Maestrangkikay.
22. In Camiguin, Barangay Ma-ipis is next to Barangay Bangag.
23. In Sorsogon, there’s a town called Gubat. So when asked, “Taga saan ka?” They answer: “Taga-Gubat.”
24. In Batangas: Barrio Makeke.
25. Sisters of Mary Convent, Brgy. Pulong Diablo, Antipolo Rizal.
26. We live in Sitio Supot, next to Sitio Matae.
27. In Bataan: Barangay Ba-yag Kabayo.
28. In Calamba: Barangay Tulo.
29. In our hometown in Albay, “Mababang Paaralan ng Mataas”.
30. Pasong Kabayo is right next to Pulong Ebak.
31. In Aurora: Barangay Pulong Pu ke.
32. In Leyte: Barangay Kapukian and Barangay Cantutang.
33. In Lucena: Barangay Tampalpuke.
34. A barangay in Bacacay, Albay is named HINDI. So,signages read: “Hindi Elementary School”, “Hindi Barangay Hall”, “Hindi Health Center”,etc. So confusing!!

Oh di ba? Wag kayo masyado bumilib sa akin... Hindi ako nag-research nyan noh... Wala na akong time mga sir at mam. Nakita ko lang yan sa net at nagpapasalat ako kung sino man nagpost na yan dahil napatunayan ko na di kayo makakamove on sa mga lugar sa Pinas na may kakaibang pangalan.... Saan dyan ang favorite nyo? Hahaha

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, March 13, 2017

Going Nowhere

Check-up Time: 8:56am

"Ang mga hayop parang may built in na GPS sa katawan, kapag niligaw mo sila sa malapit sa bahay nyo makakauwi pa rin sila... Buti pa sila, ang ibang mga mister hindi nila alam kung paano sila uuwi"

Yan ang opening ni Father sa mass nya sa office nung ash Wednesday. Sa true lang daming nawindang dyan at nag-react. Kaya sabi na lang ni father mukang hindi maganda ang simula ng sermon nya.

Habang nagsesermon sya eh naisip akey na may point si pudra, now-a-days eh kaswal na ang ganyan.... Hmm wag mag react ng violent dyan... Affected? Charot lang.

Kung di ka naman magrereact di perfect! Dahil mas loyal ka pa sa mga nakatanggap ng loyalty award sa school. Chos lang.

Iba ang impact sa pores ang muka ko yung sinabi ni pudra sa mass nya. Hindi lang naging eye opener pati na din can opener (charot lang) yung message nya. No matter what happen we should know how to get home.... ganern!

very poetic lang daw yung hanash na "Remember that you are dust, and to dust you shall return" kasi mas maganda daw na pakinggan ang God created us from dust and we will return to God. Davah? Artihan sa english ito.

Hindi purke nakangiti ang isang indibidwal ay wala na syang pinagdadaanan. Baka hindi mo lang alam kung gaano kabigat ang kanyang pasanin. Hindi mo alam? Wala kang alam? Ganyan ka eh! lagi ka na lang ganyan.... Charos lang! Sadya lang sigurong marunong syang magdala kaya maging sensitibo ka.... At ano ang connection nun dito? Wala sinabi ko lang.

May mga bagay talaga na kahit anong pilit natin na gayahin eh hindi natin kayang gawin at panindigan. Kaya naman mas maigi na lang na makuntento tayo sa kung ano ang meron tayo at i-enhance na lang ang mga magagandang features natin. Aba, iba pa rin kung may sarili kang identity noh hindi yung nakilala ka lang dahil sa mga kasama mo na pilit mong ginagawa...O saan galing yang hugot ko? Sa bituka ko haha.

Hindi mo na kailangan na ipangalandakan kung ano man ang narating mo. Sapat na ang masasabi mong handa ka sa kung ano man ang haharapin mo kesa naman sa ipinagmalaki mo na sa lahat kung ano ang narating mo at pagkatapos nganga ka naman kapag may pinagawa o ipinagkatiwala sayo. Minsan tuloy maiisip mo na buti pa ang bagyo may low pressure... Ikaw laging presure na pressure..

O nalito ka nanaman kasi hindi mo nanaman masundan kung ano ang sinasabi ko? Hay naku hindi pa kayo nasanay sa kin. Kayo talaga ahaha. 

Medyo masama ang loob kasi dumadalang na talaga ang pagkeme ko dito sa blog ko pero ang nasabi ko na lang sa sarili ko atleast bumabalik ako pata magsulat pa din.

Ilang kembot na lang Semana Santa na, kung may Semana Santa may Semana Santo din ba? Charot lang...

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Tuesday, February 14, 2017

Heto nanaman sya...


Check-up Time: 3:31pm



Its time of the year!


 Image result for valentine







































Na hindi na kailangan pang iremind ang sino man....


Image result for valentine





































Na hindi lang dapat twing ganitong araw pinagdiriwang ang araw na ito...



Related image






















































Sa mga pinusuan, napusuan, pumuso, at at kung ano pang klaseng puso meron dyan...


Image result for lovers in bench 


Enjoy enjoy pero sana hindi lang pang-isang araw yan ah...











































Sa mga single dyan! Wag kayo magreklamo. Sabi nga ni Ethyl Booba, binigyan ka ang 364 days para maghanap ng ka-date kaso ano bang ginawa mo?

Image result for single on valentine







































Wag kayong magulat kung mukang pagod atlupaypay ang mga taong lumalabas ang hotel, motel, inn, apartle at kung ano ano pa... malay mo naman may gym doon. Charot lang ahahaha


Happy Valentines everyone!!!!
(credits to the owner of the pics)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Friday, February 10, 2017

Buhay pa ako

Check-up Time: 3:45pm

O kamusta na?

Kala nyo shigbak na ako noh? Wit hindi pa. I'm still alive.

Nasabi ko na ba sa inyo na nasa training pala ako. Ay! Oo nga pala kada update ko nga pa nasasabi ko na nasa training pa rin ako. Shet mga bes wala ng katapusan ang training ko. True! Kung pwede na akong maregular sa training naku po!Unang una na ako sa listahan.

Grabe ang firewall ng bagong program kung saan ako nagte-training ngayon. Ang strict ng rules. Hindi ako ako makapunta sa blogspot kaya di ako makapag check ng blog. Kahit gmail di maaccess. Kastress!

Hindi tuloy ako makagawa ng blog. Kailangan ko pa munang gumawa sa notepad bago ilipat sa blogspot kapag nasa bahay na ako. Hindi tuloy ako nakagawa ang entrada ko para sa Blogsary ko. Haizt!

Anyway, At least nalaman nyo na buhay pa ako... Yung ibang blogger kaya? Charot lang!

Nag-a-update naman sila ng blog ah... Once, twice, trice.... Gaano kadalas ang minsan?


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, December 26, 2016

Energy!

Check-up Time: 11:00am

Kamuestas mga baliw, slight baliw, tamang baliw, baliw baliwan at mga pang derby ang level ang baliw?

For sure maluwalhati naman ninyong nagdiriwang ang Pasko di ba?

Ay naku, ako man sobrang ayos lang kahit dalawa lang kami ni bunso sa bahay. Si paping kasi nasa Iloilo. Hoping kasi na darating si diko at doon sa bahay nila sa Iloilo magce-celebrate ng Christmas eh kaso lang nadaot sila ng kumpanya ni diko kaya naman mauurong pa ang bakasyon nya.

More more tuloy ang foodams sa bahay. Muka ngang masisiraan pa kami ng pagkain. Haizt Henny waist, susko nakakapagod talaga ang event na ito dahil sa mga bagay na kailangan i-prepare sa grand day. Kaya naman nakakaubos ng energy. Nagka-energy gap na tuloy ako.... Kaya ng bet ko na din ata mag-Milo na din kasi sabi ni James Reid beat enegy gap daw. Aba sinunod ng mga poginger na mga celebrity ang sinabi ni kuya at naki-energy gap dance eme din si....














Chis Brown....



One Direction...



Ang buong cast ng High School Musical...



Justine Bieber...





Ang Korean girl band na Girl's Generation...





Ang ate Beyonce mo...

video



at ang di nagpapakabog na lola Lady Gaga nyo haha...


video




O napa-help beat enegy, enegy gap beat enegy gap drink Milo everyday din ba kayo? Nyahaha

Hay naku kaiinom ko lang ng Milo at nakisayaw na din dyan sa enegy gap eme na yan at dahil mukang lalo ako napagod tutulog na muna ako para bumalik ang energy ko.

O nawa naman ay punong puno kayo ng energy this week lalo pa at malapit na ang grandest event ng holiday season ang New Year.

Ngayon pa lang ay binabati ko na kayo ng buong enegy na 


















































Image result for 2017 gif


(credits to the owner of the vids)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, December 19, 2016

dont they know is Christmas?

Check-up Time: 9:00am


Ehem... ehem... ehem...

So this is Christmas ♪♫♪♫

Charez lang hehehe!

So Christmas week na, for sure lahat ay super excited na sa ganap sa Saturday! Bongga di ba?

Kung excited tayo naku for sure may mas excited pa sa atin kaya lahat ng mga ninong at ninang dapat na maghanda... Bakit? Naku alam mo naman...



Excited na excited na silang sumutin ang laman ng bulsa natin... Charet lang haha. Well wala naman masama if magpuntahan ang mga inaanak natin since isa sa meaning ng season na ito is about giving and sharing pero medyo nakakabadtrip lang ang mga inaanak na kilala ka lang kapag ganitong panahon at kakutsaba pa nila ang mga magulang nila. Aminin! ahahaha.

Hindi ka pa rin ba humuhuba ang asar mo sa mga kawork mo na mga epal? Go lang mga meym at sers! Talagang ganyan sa work minsan gusto mo na sabihin sa kanya...


Hayaan mo na sila, wag ka na mabadtrip ngayong panahon... Next year na ulit pagtapos na ang celebration ng Christmas. Para may excuse na na ulit maimbernadette Sembrano. Choz lang hahaha.

Kanya kanya na ulit ang Christmas party ng mga kumpanya, magbabarkada, pamilya at magkakaputbahay. Syempre kapag may ganyang ganap, may palitan ng regalo. Ito nanaman ang feeling na hinuhulaan mo kung ano kaya ang regalo na natanggap mo dava?


Nakakatuwa kaya ang mga ganyang tagpo kapag palitan ng regalo.

So dahil magkakasama ang magto-tropa at may Christmas break sa work kanya kanya din ang plano ng magkakaibigan una ang ganda ng plano kaso unti unting nagkakabulilyaso ang nagplano ng 15 nauwi sa tatlo na lang ang pwede kaya magkakatamaran na lang. Minsan matatanong mo na lang sa mag kaibigan mo kung kelan nyo kukulayan ang mga plano nyo na drawing pa din hanggang ngayon. Para silang mga handa sa Noche Buena.



Sa mga taon taon an dumadrama sa buhay na panlalamig ng mga puso... Patuloy ang recruitment ng mga Samahang Malalamig ang Pasko. Pero sa ibang SMP ako sumali. Samahang Matipid ang Pasko. Very tight ang budget mga bes daming gastosin ahaha. Wag kayo magalal, darating din ang tao na nararapat para sa inyo. kung dumating man sila at saktan nila kayo mag tongue twister na lang kayo...



Kung ano't ano man ang kanya kanya nating hanash sa Chrustmas nawa at maitawin natin sya na ligtas at kasama ang ating pamilya.

Mula sa kaibuturan ang aking puso, atay, balunbalunan, esophagus, stomach, pancreas, apdo, gall bladder at iba pang internal organs. Maligayang Pasko sa inyo mga kaibigan ko sa blogspere...

(credits to the owner of the pics)


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!