Sunday, July 15, 2012

Can't get over!!!

9:37pm (sok)


Higit isang buwan na ng iwan kami ni mama at lumipat na sya sa condo nya... Mahirap? Oo, di lang mahirap, masakit pa..


Araw araw ay halos lamunin ako ng guilt ko... Naging mabuting anak nga ba ako kay mama? maparamdam ko ba sa kanya na mahal ko sya kahit na madalas ay sakit ng ulo at sama ng loob ang binigay ko sa kanya?


Simula ng iwan nya kami, sinabi ko na na sana magkita kami sa panaginip, makausap ko sya, malaman ko ang sagot sa mga tanong ko. Kaso si mama makulit, ayaw.


Di pa rin ako nawawalan ng pag asa. sana magkita ulit kami.


- It's my opinion... so? -