Sunday, April 12, 2015

Praning!

Check-up Time: 9:48pm

Hoemgeee!!!

Sobrang napraning ako sa nangyari sa akin kaninang umaga as in hindi ko nakaya ng burberry hard.

Ganito kasi yun...

Suot ko ang headset ko at nagsasayaw ang diwa ko sa tugtog na "Dying Inside" ni Timmy Thomas nung sumakay ako sa jeep papuntang Edsa Taft. Hindi ko pa kinuha ang pambayad ko ng jeep dahil iniisip ko na kung magtatagal pa si kuya driver eh lilipat ako ng jeep.

Hindi pa umiinit ang pwet ko sa kinauupuan ko ay may sumakay na isang lalaki na pagtitignan mo eh parang ang hanap buhay nya ay bouncer sa bar. So ibig sabihin maskulado. Umupo sya malapit sa inuupuan ko. Deads lang naman ako sa kanya kasi ang isip ko ay nagsasayaw naman sa saliw ng kanyang 'Always" ng Erasure.

So ito na nga few minutes pa run-a-wat bride na si kuya jeepney driver. Since tumatakbo na ang jeep nya kinuha ko na ang pambayad ko. Kaya dinukot ko na ang coin purse ko para kunin ang pambayad ko. Hindi ko alam na ipinaabot pala ni kuyang parang bouncer ang bayad nya. Hindi ko narinig ang favor nya dahil nakasaksak ang earphones ko sa tenga.

Imbey much si kuyang parang bouncer mga fwens, inabot nya ang bayad nya na may paghampas sa braso kong sensitive. Syempre ako naman bilang isang tao na may pakiramdam, nakaramdam ng pain na sapat para magreact. Tapos he look at me with so samang titig. Like duh? Nag-a-ask lang sya ng favor its not my duty to make his bayad abot to kuya jeeepney driver *rolling eyes*.

So nagreact ako ng light. "Kuya, sana naman nakikita nyo na kinukuha ko pa yung bayad ko. Ok lang naman sana kung makikisabay ka na lang ng abot ng pambayad hindi yung nananakit ka". Si kuyang parang bouncer MMK as in More More Kuda. Naturete ako sa kanya kaya hiningi ko yung pamasahe nya pero di nya binigay sa akin so ako naman kebs! Tune in na ako sa playlist ko na "Lick It" na ang tugtog ni Roula.

Narindi siguro si kuya jeepney driver sa MMK ni kuya bouncer kasi dami hanash so nag react na si kuya. Ang nakakatuwa naman sa kanya kinampihan naman ako ni kuya kasi nga naman si kuya bouncer eh nagask na lang ng favor very harsh pa. Until sila na ni kuya jeepney driver ang nag-aaway. Wa pa rin ako care sa kanila kasi medyo naiindak na ako sa "Feel like dance" ng Globe. Medyo lumalamin ang hidwaan ni kuya driver at ni kuyang parang bouncer pero di ko na nasusundan kung ano ang pinaguusapan nila. Pumara si kuyang parang bouncer nung nakababa sya binato nya ang pamasahe nya.

This time naging violent ang approach si kuya jeepney driver kay kuyang parang bouncer. Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari biglang tumakbo si kuyang parang bouncer kay kuya jeepney driver. May dinukot sya sa bulsa nya. May dala pala syang balisong. Sinaksak nya sa leeg si kuyang jeepney driver.

Panic na ang mga tao lalo doon sa tabi ni kuyang jeepney driver. Sumirit ang sariwang dugo sa kanila. Yung iba nagtabuhan habang ako parang napako sa kinauupuan ko. Gusto ko din tumakbo pero parang wala akong lakas.

Napatingin si kuyang parang bouncer sa akin. Galit na galit ang muka nya. Tumakbo sya papunta sa pinto ng jeep. Ako naman nagsisimula ng mamuo ang mga luha ko sa mata. Alam ko na dahil sa akin kaya nagkaganun sya. Malapit na sya sa akin.... Alam ko ng malapit na ako... Ipinikit ko na lang ang mga mata ko tapos nun........


















































Gumising na ako sa pagkakatulog ko..

Haizt what a nightmare. Hindi na ulit ako matutulog ng sobrang stress iba ang tama sa akin.


Anyways patapos na ang #nationalsiblingsday ay naki-isa naman ako, nagpost ako ng pic naming magkakapatid sa fesbuk.





O di ba? ako pa rin ang mas kyut sa 2 kolokoy kong mga kapatid ☺

O sya tama na ang lokohan. Hanggang sa susunod ay magandang gabi sa inyo hehehe.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, April 5, 2015

Happy Easter ☺

Check-up Time: 3:50pm

Malungkot!

Di natuloy ang balak namin na magpunta ng Liliw, Laguna nung Sabado.

Sabi ni Nutmeg eh yung 2 daw namin makakasama sana ay magiging cast sa Senakulo.

Ok lang sana kung lead role eh susko hindi naman ata.

Sabi ni Nutmeg yung isa daw ay Judas yung isa di ko alam ang role. Pero syempre hindi ko confirm kung chinacharot lang nya ako. Hindi ko kasi napanood. Kung totoo man, sige na nga tutal hindi naman mabubuo ang istorya ng play kung hindi dahil sa mga papel nila.

Dahil bored na bored ako kahapon, habang ginagawa ang mga natitira ko pang mga project na ipapasa next week, tinext ko si Nutty....






Napaka-adventurous naming magkaibigan noh? Yan ang nagagawa ng mga walang magawa ☺.


Happy Easter Sunday sa iyo, sa iyo pa, sa iyo din at higit sa lahat... Sa'yo.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Thursday, April 2, 2015

Semana Santa

Check-up Time: 7:00am

Hola Tinola, Afritada, Ensalada, Valenciana, Crispy Pata.... Ako'y tataba!

Lol puro pagkain? Kasi naman kulang ako sa nutrisyon. Kailangan kasi mag mukang payat sa mga summer picture....

CHAROT lang yun! hihihi.


Lenten season nanaman, at sa ganitong panahon madalas ay nagninilay-nilay tayo sa mga nagawa natin sa nagdaang taon. Kung naisabuhay ba natin ang mga tinuro ng simbahan sa atin o hindi , ganyan.

Sa true lang mga koya at teh, namiss ko manood ng senakulo sa ganitong panahon. Kasi naman grade school pa ako ng huling nakapanood ng senakulo. Meron naman sa lugar namin nito kaso lang kailangan mo pang dumayo sa kabilang baranggay para makapanood. Effort mga meym at seyr.



Meron namang mga palabas na hango sa mga biblya sa mga TV channels isama mo pa dyan ang mga palabas ng kanya kanyang network kung saan ka makakapagnilay ka din, kaso lang iba pa rin ang nakikita mo ng aktuwal (o siguro ko lang gusto yun ay dahil at some point of my life eh nakahiligan ko an teatro).

So ito na nga, noong bata pa ako natatandaan ko na bukod sa mga yan eh kabi-kabila din ang mga prosisyon. Kaso lang nung nag laon ang panahon parang bihira ko na lang makita yan sa Manila hindi katulad sa mga probinsya na naglalakihan ang mga karosa ng mga santo at imahen na pinaparada nila at taon taon nilang isinasama sa mga prosisyon ang mga life size nilang mga imahe na hango sa mga santo.

Dahil dyan sa Sabado ay kakaladkarin ko ang sarili ko sa Liliw, Laguna sa pangalawang pagkakataon dahil baka sakali ay masaksihan ko ang dati'y nasaksihan (sana) ng ganitong panahon din nung una akong mapadpad doon kasama si Nutmeg.

Sana din makisama ang panahon at ipostpone muna ni Chedeng ang pagbisita nya sa Pinas para naman all is well sa pag babaliw Aliw sa Liliw ko.


Muli po, in behalf of the staff and crew ng blog na ito ay hinihiling namin ang ligtas, mapayapa at makabuluhang semana santa sa inyo...


Teka!!!!! anong staff and crew????? TV Show ito??? Lolz


O sya see you when I see you ☺


BTW, kinakabahan ako sa sunod na post ni Kalansay Collector ahahaha.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!